Sunday, June 17

New Home...

Let's all move out!

Para po sa updates ng Shufflin' 2 and Prelude to a Kiss, please visit Rants, Stories, etc (Revamped).

It's a different world, a more interactive one. Sana po ay kasama ko pa rin kayong lahat sa paglipat ko.

Please don't forget to subscribe and send some comments! Alrighty? Tell me what you think of the new site.

Thank you guys!!!:)

Y!

My Gmail account is swamped with tons of Facebook and Blogger notifications! Medyo mahirap hanapin ang mga personal messages na sine-send niyo. That's why I decided to create a new e-mail dedicated solely sa private messages you may send me. :)

Prelude to a Kiss (Entry #1)

Hello, dear readers!!! Here's a new story for y'all. Medyo maikli lang siya per chapter. And I think maikli lang talaga ang kwento, in general. Pero sana tangkilikin niyo pa rin. This is a very important story. Medyo light lang siya kaya I hope you'd enjoy reading it. Thank you sa patuloy na pagsuporta sa blog na ito. Thank you!!!:)



06/13/08

Kinikilig ako. Promise! First encounter with him kanina! Nginitian niya ako. First time ‘yun. Napangiti rin ako kahit na hindi ko naman talaga gawaing pumansin ng mga hindi ko kakilala. Pero siyempre, exception si Crush doon. Haaay. Sana magkaklase na lang kami.

Saturday, June 16

2.13 - The Drunk Speaks of the Sober Heart

Thank you sa mga comments -- mikee, Erwin F., palskie, ojneb, josh, robert_mendoza94@yahoo.com, Pink 5ive, jordan, roman (roohmen), calle' aso.

Malapit na po magstart yung isa ko pang story. Sana basahin niyo din. Thank you!

Enjoy reading.



Mabilis na kumalas si Bryan sa yakap ni Shaun nang marinig niya ang boses ni James. Kita niya sa mukha nito ang labis na pagtataka. Maging si Shaun ay napayuko nang mapagtantong nakita ni James ang ginawa niyang pagyakap kay Bryan.

“Bry, ano ‘to?”

“James, let me explain.”

“No, James. Let me explain.” ang sabat ni Shaun.

“Tumigil ka na, Shaun!” ang sigaw ni Bryan dito punung-puno ng galit.

Saturday, June 9

2.12 - Happy Birthday, Gap!

Thank you sa mga comments -- Kuya Josh, ojneb, Erwin F., kiero143, roman (roohmen), ZROM60 and palskie.

Enjoy reading!



“Tampo na naman.” ang bati ni Symon sa nakasimangot na si Gap.

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang mag-press release si Tony na nasa ‘dating stage’ na sina Symon at Jamille. Mabilis naman itong kinagat ng mga supporters kaya naman naging tuluy-tuloy ang pagsikat ni Symon.

“Haaaay.”

“Uy, nagpapalambing.”

Tuesday, June 5

Jared Leto

Vividly do I remember the night I saw him in person during the Manila leg of their concert last year in Trinoma. His skin was glowing like a vampire's. And the voice? Oh, the voice is so perfect.

Sunday, June 3

Shufflin' 2.11 - Final Two


Thanks sa pagbabasa. Malapit na ang paghaharap ng lahat. Abangan!!! Thanks sa comments mga suki. Sana dumami pa kayo -- Jasper Paulito, ramy from qatar, Pink 5ive, Erwin F., kiero 143, roman (roohmen), Anonymous, EmO_PuNkZ94, kurt and Kuya Josh!

Enjoy reading!!

Roughly a month ago…
Nang matapos ang kanta ni Symon, malakas ang palakpakan ng lahat as usual. Pero hindi siya kampante sa kanyang ginawa. At nakita niyang pilit ang palakpak ng dalawa sa tatlong judges. Hindi angkop sa kanyang boses ang theme para sa linggong iyon pero wala naman siyang magagawa. Tatlo na lang silang natitira at mukhang doon na matatapos ang lahat para sa kanya.

“Symon.” ang medyo alangang sabi ng isang judge.

“I know.” Alangang ngumiti si Symon dahil alam niyang hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. Hinanda na niya ang kanyang sarili pero hindi niya tinanggal ang ngiti sa kanyang mga labi.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...